Requirements Para Maging Isang ka-Hatid Driver!

Apr 28, 2021

Ready ka na bang maging isang ka-Hatid driver? Simple lang ang kailangan mong gawin! Sundin lamang ang mga sumusunod:

Step 1: I-download ang Hatid Driver App mula sa Google Play Store at mag sign-up.

Step 2: Ihanda ang requirements at siguraduhing malinaw ang mga litrato ng mga dokumento. Lahat ng mga dokumentong ito ay maipapasa mismo sa Hatid Driver App.

  • Driver’s License – Kailangan ay naka-Professional License ang ating mga ka-Hatid driver. Pwede pa ring mag-apply ang mga may hawak ng Non-Pro ngunit kailangan din itong mapalitan agad ng Professional License.
  • NBI Clearance
  • Vehicle Registration (OR and CR)
  • Picture of Motorcycle – Siguraduhing kita ang plate number.
  • Ka-Hatid Driver Uniform – Ito ay nagkakahalaga ng Php 300 para sa dalawang uniporme. Payment will be received through Hatid Express Delivery’s GCash.
  • Make sure to have a minimum of Php 300 maintaining balance in your wallet.
  • Hatid GCash No: 09151105420

Ano pang hinihintay mo? Tara na at mag-HATID ng alaga saan man sa Pilipinas! Be a ka-Hatid Driver now!

Alamin din ang Ka-Hatid Driver Benefits na nagaantay sainyo!