Congratulations to our 254 ka-Hatid Drivers who received PHP300 Free Initial Top Up!

May 4, 2021

Una sa lahat, binibigyan namin ng isang maligayang bati ang lahat ng nanalo sa aming pa-AyuDrive! Mahigit dalawang daan at pitumpung ka-Hatid drivers ang nabigyan ng libreng PHP 300 initial top up. Ilan sa mga ito ay sina Joan Bonifacio Pangindian at Ronelo. Silang dalawa ay kabilang din sa mga sumali sa Hatid Express Delivery pa-AyuDrive.

Tulad ng ibang driver na nakibahagi sa ating promo, sila ay matagumpay na naka-kumpleto ng requirements upang mapabilang dito.

Sa mga driver naman na gustong makakuha ng libreng top up, hindi pa huli ang lahat! Ang Hatid Express Delivery ay magbibigay pa sa natitirang driver applicants na kukumpleto sa ating first 300 drivers.

Limitado na lamang ang slots kaya naman, grab the opportunity at ‘wag nang magpatumpik-tumpik pa! Maging isang ka-Hatid driver na!

Sundin lamang ang mga ito at kumpletuhin ang sumusunod na requirements bago mag-May 5, 2021:

Step 1: I-download ang Hatid Driver App mula sa Google Play Store at mag sign-up.

Step 2: Ihanda ang requirements at siguraduhing malinaw ang mga litrato ng mga dokumento. Lahat ng mga dokumentong ito ay maipapasa mismo sa Hatid Driver App.

  • Driver’s License – Kailangan ay naka-Professional License ang ating mga ka-Hatid driver. Pwede pa ring mag-apply ang mga may hawak ng Non-Pro ngunit kailangan din itong mapalitan agad ng Professional License.
  • NBI Clearance
  • Vehicle Registration (OR and CR)
  • Picture of Motorcycle – Siguraduhing kita ang plate number.
  • Ka-Hatid Driver Uniform – Ito ay nagkakahalaga ng PHP 300 para sa dalawang uniporme. Payment will be received through Hatid Express Delivery’s GCash.
  • Make sure to have a minimum of PHP 300 maintaining balance in your wallet.
  • Hatid GCash No: 09151105420